Bebot nakaladkad ng sasakyan sa Makati tepok

PATAY ang isang babae nang aksidenteng mabundol at makaladkad ng isang sasakyan kaninang madaling-araw sa Makati City.

Ang insidente ay naganap alas-5:15 ng umaga ng hindi pa batid ang pagkakakilanlan na biktima na nakasuot lamang ng sando at itim na short.

Ayon sa mga nakasaksi, ang biktima ay tumatawid nang mabundol at makaladkad ng rumaragasang Fortuner sa gitna ng EDSA.

Iniimbestigahan na ng traffic enforcement unit ang naganap na insidente kabilang ang sasakyang nakabundol sa biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply