Beer ‘di binayaran, PDEA agent, 1 pa kalaboso

SWAK sa kulungan ang isang ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at isang sibilyan na kapwa lasing matapos hindi magbayad sa nakonsumong beer at manutok pa ng baril sa loob ng KTV bar sa Cagayan de Oro City kagabi (Abril 26).

Kinilala ang mga suspek na sina PDEA agent Niel Pabilona, taga-Barangay Carmen at Richard Gamayot na taga-Justo Ramonal St. sa lungsod.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-10:30 kagabi sa isang KTV bar sa Vamenta Boulevard sa Barangay Carmen

Inaresto sila ng pulisya batay sa reklamo ng dalawang babaeng empleyado ng KTV bar na sina Cherie Lou Tamula at  Noeme Cordova.

Ayon kay Tamula, hindi biro ang naramdaman nilang takot matapos silang tutukan ng .45 caliber pistol ng natuang PDEA agent.

Nag-igting ang insidente nang singilin na ni Tamula si Pabilona sa bayad sa nakonsumong ilang bote ng serbesa

Banta naman ni Tamula na magsasampa siya ng kaukulang kaso para maturuan ng leksyon ang mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply