Belmonte positibo sa paglago ng negosyo sa bansa

MAKAKAMIT pa rin ng pamahalaan ang medium term objectives sa ilalim ng Philippine Development Plan (PDP) sa kabila ng global crisis na kinakaharap ngayon ng bansa.

Tiwala si House Speaker Feliciano Belmonte, Jr. na maipatutupad pa rin ang layuning ito dahil kumikilos na aniya ang pamahalaan para pa-angatin ang investment sa GDP ratio mula 15.6 percent noong 2010 hanggang 22% na target sa 2016 at paglikha ng isang milyong trabaho kada taon.

Idinagdag pa ni Belmonte na pangunahing layunin din ng PDP na pataasin ang growth rate mula 7% hanggang 8% at mabawasan ang kahirapan hanggang 16.6% sa 2015.

Ipinaliwanag pa ni Belmonte na bagama’t humina ang economy growth ng bansa nitong 2011 na nasa 3.7% lamang ay mas mabuti pa nga aniya ito kumpara sa sadsad na ekonomiya ng bansa noong 1997 Asian financial crisis at pagbagsak nito noong 2008 at 2009.

Dagdag pa ng Speaker, na mamimintina at makakamit ang magandang ekonomiya ng bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng remittances, pagpasok ng business outsourcing industry, foreign investors at repormang ginagawa ng pamahalaan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply