Benham Rise, Panatag Shoal at iba pa

SA KATATAPOS na deliberasyon ng United Nations, sinabi nito na ang Benham Rise, isang grupo ng lupa sa ilalim ng dagat sa Eastern na bahagi ng Pilipinas ay pag-aari natin.

Kung matindi lang sana ang kapangyarihan ng United Nations, tapos na sana ang usaping ito at maaari na nating simulan ang exploration at siyempre exploitation ng natural resources sa Benham Rise.

Pero tulad ng daan-daang desisyon ng UN, kailangan pa nating tingnan ang reaksiyon ng ibang bansa na nakapaligid sa atin ukol sa desisyong ito.

Sa mabuting pagkakataon, walang ibang bansang malapit sa atin sa bahaging ito ng karagatan kung kaya’t madaling sabihin na sa Pilipinas ang pag-aari ng Benham Rise.

Simpleng rule of proximity lang ang susundin sa Benham Rise issue.

Pero yung pinakamatinding isyu ngayon, ang Spratly Islands, ay hindi madedesisyunan nang maayos ng United Nations.

May naaalala akong desisyon may dalawampung taon na ang nakararaan na sinasabihan ng UN ang China na sundin ang 200 kilometer proximity zone rule kung saan yung pinakamalapit sa loob ng 200 kilometers ang magmamay-ari ng mga isla.

Sa ruling na ito, tayo sa Pilipinas ang siguradong panalo dahil nasa loob ng wala pang 100 kilometro ang layo ng mga isla sa pinagtatalunang Spratly’s.

Madali pa nating maipatupad ito dahil iniikutan tayo ng 7th Fleet ng US Navy.

Pero matapos na umalis ang mga Amerikano, unti-unti ng pinasok ng China ang Spratly’s.

Pinakasagad dito ang Mischief Reef na dati ay Philippine Marines ang nakatanod pero ngayon ay meron ng condominium ng mga Chinese fishermen at minsan ay sundalo nila.

Madali ang umalma. Madali rin ang magdiwang sa maliliit na tagumpay tulad ng Benham Rise. Pero papaano naman ang mga lupang kasaysayan na ang nagsasabing atin pero inaangkin ng ibang bansa dahil sa hina natin.

Importante ang diplomatic presence ngayon sa mundo ng Pilipinas.

Ang alagaan ang bawat mamamayan natin sa kahit na napakaliit na bagay.

Ito lamang ang masasabi sa mga mapagsamantala na hindi natin ibibigay ang pag-aari natin nang walang laban, kahit wala tayong laban.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply