BFAR nagbabala sa pagkain ng isdang butete

NAGBABALA ngayon ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa publiko na huwag tangkaing kumain ng isdang butete o puffer fish dahil nakamamatay ito.

Matatandaang namatay ng magkapatid na bata at nalason ang siyam pa nilang kapamilya sa Jomalig, Quezon dahil sa pagkain ng butete.

Namatay din ang dalawang mangingisda sa Sagay City, Negros Occidental na kumain rin ng butete.

Ayon kay BFAR Director Asis Perez, maraming nakaaalam na hindi talaga kinakain ang isdang butete.

Aniya, mataas ang toxin nito at kapag nakain ng tao ay maaaring ikamatay.

Batay umano sa pagsusuri, 100 beses na mas mataas ang lasong taglay ng butete kaysa sa cyanide.

Gayunman, nakagawian na ng mga mangingisdang mahilig uminom ng alak ang pagkain ng butete, partikular sa Negros.

Ayon sa kanila, nasa atay ng butete ang lason at kapag maayos ang pagkatanggal nito ay maaari na umano itong kainin ng mga lalaking malalakas ang resistensiya.

Ang pagkain umano ng butete ay isa sa sukatan ng pagkalalaki sa Visayas.

Gayunman, sinabi ni Asis na kahit tanggalin pa ang lahat ng lamang-loob ng butete ay hindi pa rin tiyak na mawawala ang lason nito.

Bukod dito, hindi umano lahat ng kumakain ng butete ay malakas ang resistensiya sa toxin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply