BFAR: Plastic bawal na sa mga beach

NAGBABALA ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa publiko na bawal nang magdala ng plastic sa mga beach.

Ayon kay BFAR National Director Asis Perez, na bukod sa polusyon sa tubig ang hatid ng mga plastic ay mapanganib din ito sa mga pawikan at iba pang hayop sa dagat.

Ani Perez, magaan lang ang plastic bag o supot kaya madali itong matangay ng alon hanggang sa mapunta sa gitna ng karagatan.

At dahil transparent aniya ito, inaakala ng mga pawikan na jelly fish ito at kinakain na nagiging sanhi ng kanilang kamatayan.

Sinabi pa ni Perez, na namatay ang isang butanding sa Manila Bay noong 1999 matapos makakain ng plastic.

Bukod dito, umapela rin ang BFAR sa publiko na huwag magkalat sa karagatan kung ayaw nilang magmulta o managot sa batas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply