BFAR sa fishermen: Iwasan ang ‘Panatag’

INIUTOS ng Bureau of Fisheries and Aquatice Resources (BFAR) sa mga mangingisdang Pinoy na iwasan pansamantala ang pagtungo sa Scarborough Shoal dahil sa lumalalang sigalot ng Pilipinas at China.

Ani Asis Perez, ito ay para na rin sa kaligtasan ng mga mangingisda at hindi makakadagdag sa tensyon sa lugar.

Halos dalawang linggo na ang standoff sa Scarborough Shoal matapos magmatigasan ang barko ng Pilipinas at China na umalis sa lugar mula nang sitahin ang mga Tsino na illegal na nangingisda doon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply