Bgy. Longos Hall Complex…wow!

KASAMA ang ilang kaibigan, ang inyong lingkod ay naparaan kamakailan sa barangay hall complex ng Barangay Longos sa lungsod ng Malabon.

Maraming beses ko nang napuntahan ang lugar ngunit ito ang unang pagkakataon kong mabisita muli ang lugar sa ilalim ng pamamahala ni Kapitan Ernie Dela Cruz.

Pagdungaw ko pa lang sa gate, ako ay kaagad napa-wow dahil sa napakalaking pagbabagong anyo ng brgy. hall compound.

Magara ang disensyo ng complex na kinapapalooban ng bagong pinturang brgy. hall, police detachment at basketball court.

Nabulaga ako sa luntiang paligid dahil sa malulusog na halaman na pinatingkad pa ng ‘resort-like’ garden na disensyo ng lugar.

Sa dakong gilid ay matatagpuan ang isang malaking ‘nipa hut’ kung saan dinala at tuwang-tuwa kaming binisita ni Kap. Ernie.

Mainit ang panahon, ngunit pakiwari ko’y nagbabakasyon ako sa probinsya dahil sa mabango at malamig na hangin na humahapyaw sa aking mukha. Walang kalat at malinis ang buong kapaligiran – kaya marahil kaaya-aya at mabango ang simoy ng hangin.

Subalit ang lalong nagpabilib sa akin ay nang ipakita ni Kap. Ernie ang kuwarto na kinaroroonan ng CCTV (Close Circuit TV).

Sa naturang CCTV room ay matutunghayan ang iba’t ibang lugar sa Brgy. Longos na naka-view ang mga nangyayari sa paligid.

Kaya kahit nasa-Brgy. hall si Kap. Ernie, batid niya ang mga kaganapan sa bawa’t sulok ng kanyang barangay  sa pamamagitan ng CCTV.

Bumaba ang insidente ng krimen sa Longos at ang paniwalang dahilan ng kapulisan ay ang mga CCTV na itinanim ni Kap. Ernie sa sulok-sulok ng barangay.

Sa halos isang dekada na maraming beses kong nabisita ang Brgy. Longos Hall complex, wala akong natandaang nabago.

Pero sa mahigit isang taon lang na panunungkulan ni Kap. Ernie, napakalaki ang ipinabago ng nasabing barangay compound.

Kung ngayon ay may pa-contest ang Department of the Interior and Local Government, siguradong ‘runaway winner’ ang Brgy. Longos

Kung may pagkakataon sana  na mabisita ni DILG Sec. Jesse Robredo ang Longos Brgy. Complex,  tiyak matatapik sa balikat si Kap. Ernie, dahil tulad ng Chokepoint sigurado na mapapa-wow din ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply