Bidding sa LRT-1 Cavite extension sa Mayo na

BUBUKSAN na ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang bidding para sa LRT-Line 1 Cavite extension project sa darating na Mayo na nagkakahalaga ng P60 bilyon.

Matatandaan na inaprubahan na ng National Economic and Development Authority (NEDA) nitong nakaraang Marso ang naturang proyekto.

Ipinaliwanag ni Transportation and Communications Secretary Mar Roxas na tanging ang P30 bilyon na halaga ng konstruksyon ng riles, mga istasyon at mga pasilidad ang kanilang ipapa-bid habang ang natitirang P30 bilyon na para naman sa pagbili ng mga tren ay idadaan ng pamahalaan sa Official Development Assistance (ODA) na may mas mababang interes kumpara sa pribadong financing.

“We want to make sure that the Terms of Reference (TOR) is very clear, hindi yung maglalabas ng bara-barang TOR tapos papalitan sa kalagitnaan nitong project,” ani Roxas. “We are quite conscious of that, we want predictability, stability, and transparency, kaya mas maigi na yung magkaroon ng one or two weeks delay para masiguro na tama yung TOR.

Sinabi ni Roxas na bukas sila sa lahat ng kompanya partikular na ang may malaking pondo, may maayos na track record sa malalaking proyekto sa imprastruktura, may access sa pinakabagong teknolohiya at may sapat na mga tauhan at tamang pamamahala.

Ang Cavite extension project ay magdadagdag ng 11.7 kilometro hanggang Bacoor, Cavite mula sa kasalukuyang 20.7 kilometrong haba nito mula Roosevelt Ave. sa Quezon City hanggang Baclaran sa Parañaque City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply