Bigtime tulak, mag-asawa timbog sa shabu

DAKIP ang isang bigtime drug pusher at isang mag-asawa sa isinagawang pagsalakay ng anti-narcotics agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkahiwalay na lugar sa  Davao at Cotabato City.

Sa bisa ng search warrant ay nadakip ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Special Enforcement Group (SEG) Davao del Norte Provincial Drug Enforcement Office (DNPDEO) at Sasa Police na ipinatupad sa Block 25, Lot 29, Luzville Subdivision, Panacan, Davao City si Alih Akbar Ibbo Muharrani, may mga alyas na “Akbar Akmad”, “Musa”, at “Alex”, 32, nasa talaan ng PDEA.

Nakumpiska sa bahay ni Muharrani ang malaking transparent plastic sachet ng shabu na may bigat na 37.69 grams; iba’t ibang drug paraphernalia; 2 piraso ng .45 magazine na puno ng bala ng kalibre .45 at mga resibo na ginamit sa transaksiyon.

Dahil sa mahigit 10 gramo ang nakuha kay Muharrani, nahaharap siya sa sentensiyang pagkakakulong ng habambuhay at multang hindi bababa sa P400K – P500K.

Samantala, sa hiwalay na operasyon na inilunsad ng PDEA Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa Anacleto Badoy Street, Poblacion 2, Cotabato City, ay nadakip naman ang mag-asawang Jerry Gory, alias “Tata”, 38 at Jocelyn, alias “Jo”, matapos mahuli sa akto na nagbebenta ng shabu sa isang poseur-buyer.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply