Bilang ng krimen, aksidente ngayong Semana Santa mas mababa

MAS bumaba ang bilang ng naitalang krimen at aksidente nitong Semana Santa kumpara noong isang taon.

Ayon kay Philippine National Polices Spokesman Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., bumaba ang insidente ng krimen ngayon kumpara sa nakaraaan kung saan maging ang mga aksidenteng naganap ay malaki umano ang pagbabago dahil na rin sa mga advisory o mga paalala ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

“Although may mga nasaktan at may nawalan ng buhay, siguro next year i-i-improve pa natin ‘yan nang sa gayon ay wala na itong masasakit na alaala lalong-lalo na sa mahabang bakasyon.”

Dagdag ng opisyal, maganda ang naging pagbabantay ng pulisya lalo na sa pagsasailalim sa drug test ng mga bus driver.

Patuloy naman aniya ang kanilang imbestigasyon sa mga nangyaring krimen at aksidente nitong Holy Week.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply