Billboard operators pagbabayarin ng ‘road user’s tax’

HINDI na makaliligtas ang mga billboard operators sa pagbabayad ng “road user’s tax” para sa ikinakabit na advertisement sa lansangan.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, gagamitin ang naturang buwis para sa pagpapaganda ng mga lansangan at iba pang proyekto ng pamahalaan.

Ani Tolentino, nakikinabang din naman sa kalsada ang mga ito kaya’t mas magandang pagbayarin na rin sila ng naturang buwis.

Nabatid na ang pagpaparenta ng advertising space ng mga operator ay umaabot sa P90,000 kada buwan, gaya na lamang sa Edsa na may sukat na 135 sq. m. ang ikinakabit na billboard.

Gagamitin din ang malilikom na buwis sa paglalagay ng traffic control signs, road markings, road safety measures at training programs.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply