Binata kalaboso sa granada at balisong

SWAK sa piitan ang isang binata matapos mahulihan ng granada at balisong sa Caloocan City kaninang madaling araw, Abril 9.

Nahaharap sa kasong illegal possession of explosives at illegal possession of deadly weapon si Francis Nava, 30 ng Phase 8-B, Bagong Silang ng lungsod.

Sa ulat, dakong ala-1:45 ng madaling araw, nagpapatrulya ang mga pulis sa Phase 8, Bagong Silang nang mapansin ang suspek na may bitbit sa kamay.

Agad na nilapitan ng mga pulis ang nabiglang suspek at hindi na nakapalag pa hanggang sa makuha ang granada.

Nakuha rin sa suspek ang isang balisong.

Inaalam na ng pulisya kung sangkot sa iligal na gawain si Nava.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply