Binatilyo nalunod sa La Mesa Dam, patay

TODAS ang isang binatilyo matapos malunod sa La Mesa Dam sa Quezon City kahapon, ayon sa ulat ngayong umaga.

Kinilala ang biktima na si John Lester Galan.16-anyos at third year high school student

Sa ulat, pasado alas-12:00 kaninang hatinggabi nang matagpuan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Maritime Police ang bangkay ng biktima.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, kahapon ng hapon (Abril 16) naliligo sa naturang dam ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan nang bigla na lamang itong lumubog at hindi na umahon.

Nabatid na hindi marunong lumangoy si Galan na pinaniniwalang naging dahilan ng kanyang pagkalunod.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply