Binatilyo todas sa kaatraso ng utol sa QC

BASAG ang ulo ng isang binatilyo matapos barilin ng kaatraso ng kanyang sariling kapatid sa Quezon City kaninang madaling-araw.

Dead on the spot sanhi ng tama ng hindi pa malamang kalibre ng baril sa kanang bahagi ng ulo si Carlo Morales, 16, ng Barangay Commonwealth, Quezon City.

Hindi naman matukoy ng pulisya ang pagkakilanlan ng suspek pero may natanggap silang impormasyon na ang kuya ni Morales ang tunay na kaaway ng salarin bago ang krimen.

Naganap ang insidente, ala-1:30 ng madaling-araw habang nanonood ang biktima ng laro sa isang basketball court sa Barangay Commonwealth.

Ayon kay PO2 Romel Mayo, malaki ang posibilidad na mistaken identity lamang ang pagpatay kay Morales dahil malaki ang pagkakahawig ng magkapatid.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply