Biomass gagamitin vs krisis sa koryente

NANINIWALA ang Sugar Regulatory Administration na malaki ang maitutulong ng Biomass bilang alternatibong mapagkukunan ng enerhiya.

Ayon kay SRA Administrator Gina Bautista-Martin, kung tuluyan aniyang babalewalain ng  Department of Energy (DoE) ang kanilang mungkahi ay malamang na danasin ng buong bansa ang problema sa suplay ng kuryente na nararanasan sa Mindanao.

Dagdag pa ni Bautista hindi aniya solusyon ang short term at magastos na paraan gaya ng fossil fuel na maaaring makasira ng kalikasan.

Matagal na aniya nilang iminumungkahi ang paggamit ng Biomass na mahalaga lalo sa agricultural areas gaya ng Mindanao na nasasayang lang ang biomass residues sa pagha-harvest ng mais, coconut, sugar cane at iba pang pananim.

Paliwanag ni Bautista na sa 5 milyon tonelada ng sugar cane, nakakapag-produce aniya ito ng 1.5 milyong toneladang biomass na kayang mag-supply ng 35 mega watts na kuryente at kayang magpatakbo ng apat na sugar mills sa naturang rehiyon.

Una nang sinimulang gamitin ng Negros at Bukidnon ang biomass sa ilang sugar mills sa pamamagitan ng paglikha ng carbon dioxide o uling na sinusunog upang maging kuryente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply