Biometric registration ni GMA ipinababasura

HINILING ng Commission on Elections (Comelec) sa Pasay City Regional Trial Court na ibasura ang nauna nitong ruling na nag-aatas kay dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na
magpa-biometric registration sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Una nang ipinawalang-bisa ni Judge Jesus Mupas ng Pasay City RTC Branch 112 ang hirit ni Ginang Arroyo na magpa-biometric registration sa kanyang hometown sa Pampanga dahil na rin sa isyu ng seguridad.

Paliwanag ng Comelec na hindi naman compulsory ang biometric registration at maaaring i-exercise ng dating Pangulo ang karapatan niyang makaboto kahit hindi sumailalim sa biometric process.

Ayon pa sa Comelec, kung sasailalim sa biometric registration ang dating Pangulo sa VMMC, tiyak na magsusunuran na rin ang ilang detainees para makalasap ng ganoong pribelehiyo kung papayagan man ito ng korte.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply