Birthday wish ni GMA: Pagkakaisa sa bansa

KAPATAWARAN at pagkakaisa para sa bansa ang birthday wish ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa birthday message na ipinadala ng tagapagsalita ni Ginang Arroyo na si Elena Bautista-Horn, sinabi na umaasa pa rin ang dating Pangulo na mawawala ang kaguluhan at kalungkutang likha ng hindi pagkakaisa.

Apela pa ni GMA na itigil na sana ng gobyerno ang paghihiganti sa mga opisyal at tauhan ng nakalipas na administrasyon at sa halip ay kumilos para sa pag-unlad ng bansa.

Ang dating Pangulo ay magdiriwang ng kanyang ika-65 na kaarawan sa Huwebes (Abril 5) sa Veterans Memorial Medical center (VMMC) kung saan siya naka-hospital arrest.

Ito ang kauna-unahang pagdaraos ng dating Pangulo ng kanyang kaarawan sa VMMC.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply