Biyudo nilamog sa suntok, tinodas sa tarak

MATAPOS lamugin sa suntok ay pinagsasaksak pa hanggang mapatay ang isang biyudo ng kanyang kaalitan sa Navotas, Sabado ng gabi, Abril 21.

Namatay sa pinangyarihan ng insidente si Leonardo Icaro, 64, ng Gold Rock st., San Roque.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Rudy Tiangco, 48, kalugar ng biktima.

Base sa ulat, alas-8:30 ng gabi nang makitang nagtatalo ang biktima at suspek sa hindi malamang dahilan sa Gumamela St., San Roque hanggang sa magsuntukan.

Dahil may edad na ay natalo ang biktima hanggang iwan ng suspek subalit makalipas ang ilang sandali ay nagbalik si Tiangco na may dalang patalim at pinagsasaksak si Icaro.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply