Black Saturday is a non-working day

OPISYAL na idineklara ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III na special non-working day ang Sabado de Gloria o Black Saturday, Abril 7 upang bigyan ng pagkakataon ang mga Filipino na tuloy-tuloy ang mga araw na paggunita sa Semana Santa.

Nakasaad sa Proclamation 360, nilagdaan noong Marso 29, 2012, Aquino na ang Sabado de Gloria o Black Saturday na pumatak sa pagitan ng Biyernes Santo o Good Friday at Linggo ng Pagkabuhay o Easter Sunday ay tradisyonal na deklaradong special non-working holiday sa bansa.

Tinuran pa nito na ang paggunita sa Mahal na Araw ang pinakagustong tradisyon ng mga Filipino.

Base sa naunang rulings ng Department of Labor and Employment (DOLE), kung ang isang indibidwal ay pumasok ng Sabado de Gloria, ito ay entitled sa 130 porsiyento ng kanyang daily rate para sa unang 8 oras na trabaho.

Sa kabilang dako, ang Huwebes Santo o Maundy Thursday at Biyernes Santo o Good Friday ay kapwa regular holidays sa bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply