Blessed Calungsod, idedeklarang santo ng OFWs at mga kabataan

IDEDEKLARANG patron ng Overseas Filipno Workers (OFWs) si Blessed Pedro Calungsod sa oras na ito ay ma-canonized sa Oktubre.

Ito ang inihayag ng opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).

Gayunman, sinabi ni CBCP assistant secretary general Fr. Marvin Mejia na maaari ring maideklarang santo ng mga kabataan si Calungsod  dahil sa kanyang edad nang siya ay mapatay.

“He could be patron saint of the Filipino youth because he was a lad when he died or could be the patron saint of OFW, he worked under the Jesuit missionaries in Guam or of lay missionaries,” ayon sa artikulong inilabas ng CBCP ngayong araw.

Ayon pa kay Mejia, ang nationwide celebration ay isasagawa matapos pormal na maging pangalawang santo ng Pilipinas si Blessed Calungsod.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply