Blood letting sa NBP inilunsad ng Red Cross

NAGSAGAWA ng blood letting activity ang Philippine National Red Cross (PNRC) sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, kahapon (Abril 3).

Ayon kay PNRC Chairman at former Sen. Richard Gordon, inilunsad nila ang naturang aktibidad sa loob ng Bureau of Correction (BuCor) bilang tulong sa mga inmate sakaling mangailangan ng dugo ang mga ito.

Ani Gordon, hindi lamang ang mga preso ang makikinabang kundi maging ang kanilang mga kamag-anak.

Kabilang sa mga boluntaryong nagbigay ng dugo ang mga kawani ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Philippine National Police (PNP), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), mga estudyante ng Criminology sa Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa at mga barangay official.

Gayunman, binigyang diin ng PNRC chairman na hindi lamang ang pagbibigay ng dugo ang isa sa pinaka-importante sa naturang proyekto kundi ang magiging epekto nito sa damdamin ng mga presong may kimkim na sama ng loob sa mga awtoridad.

Paliwanag ng dating senador, karamihan kasi ng mga nakabilanggo doon ay may mga galit sa mga awtoridad na naging dahilan ng kanilang pagkakakulong ng walang matibay na basehan.

Sa panayam ng Remate Online kay JV Sebastian, overall Inmate Coordinator at Commander ng grupong Comando sa loob ng maximum tolerance ng NBP, ang pakikiisa ng mga kawani ng BJMP, PNP, CIDG at ng ilan pang ahensya ng gobyerno sa kanilang inilunsad na proyekto sa pangunguna ng PNRC ay malaking tulong na upang mabawasan ang kinikim-kim na galit ng kanyang mga kasamahang preso.

Siunabi pa ni Sebastian, na opisyal rin ng “Munti Paraiso Foundation” (MPF) sa loob ng NBP, kahit hindi pa magbigay ng dugo ang mga awtoridad na nagpunta sa kanilang blood letting activity ay tinatanaw na nila itong malaking tulong para sa pagpapataas ng kanilang moral na magbagong buhay.

Umaasa naman na magiging taunan na ang paglulunsad ng blood letting activity sa loob ng NPB bilang bahagi ng kanilang pakikiisa sa proyekto ng PNRC.

Tiniyak naman ni Former Sen. Gordon na bukod pa sa pagsasagawa ng blood letting activity ay maglulunsad din ang kanilang tanggapan ng mga livelihood program doon.

Mahigit sa 200 bags naman ng dugo ang target na malilikom ng Red Cross sa inilunsad na aktibidad sa NBP.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply