Bobong Bonoan ng DSWD at tong collector ni Calixtong

PORMAL nang kinasuhan ang traffic enforcer na kumalat ang video ng pangongotong sa

Facebook.

DISCOUNT SA HULI?

Lantarang pangongotong ang dinanas ng magkapatid na Novo Ecijano na sina Rannie at Ramel Chuidian sa kamay ni Pasay City Traffic Enforcer Al Villegas.

P2,000 ang hinihingi ng gagong enforcer pero huwag naman daw mag-alala ang biktima dahil kaya naman daw bigyan ng discount.

Aba’y Gago! Kelan nagkaroon ng discount sa paglabag sa batas trapiko?

Manang-mana ka sa amo mong si Calixtong este Calixto pala.

SALAMAT SA MGA TUMULONG

Taos pusong pasasalamat ang ipinararating ng pamilya Hernandez sa mga tumulong para isalba ang kanilang anak.

Masakit mang sabihin ay sumakabilang buhay na si Baby Thia Loreign Hernandez sa sakit na Biliary Atresia.

‘DI NATUTULOG ANG DIYOS

Alam ng Diyos kung sino ang mga tumulong ng buong puso kay Baby Thia sa mga oras na naghihirap pa ito.

Isa na si Nueva Ecija Gov. Aurelio “Oyie” Umali na ang bonus nito na P30,971 noong nakaraang Pasko ng 2011 ay ibinigay nito ng buom-buo sa pamilya Hernandez.

May mga opisyal pa palang tulad ni Gov. Umali na may malambot na puso para sa mga nangangailangan.

MGA LIKAS NA MATULUNGIN

Bagama’t maliit lang na halaga ang ibinigay ay abot-abot pa rin ang pasasalamat ng mga Hernandez sa mga tumulong na senador.

Para sa kaalaman ng ating mga ka-Bro, P4 milyon ang kailangan para gumaling ang sakit na Biliary Atresia ni Baby Thia dahil mangangailangan ito ng liver transplant.

Kaya kayo na ho ang mag-isip kung gaano kahirap ang pinagdaanan ng pamilya Hernandez.

Nangunguna sa kanilang pinasasalamatan sina Sen. Trillanes-P5,000, Sen. Bong Bong Marcos-P5,000, Sen. Angara-P3,000 at Sen. Bong Revilla-P3,000 na talaga nga namang mabilis ang proseso na pagpapatunay na handa talagang tumulong ang kanilang tanggapan sa nangangailangan.

P1,500 naman ang galing kay Sen. Tito Sotto, P1,500 din kay Sen. Loren Legarda at P1,000 naman kay Sen. Gringo Honasan.

SALAMAT PA RIN

Salamat na rin daw kay Sen. Miriam Defensor Santiago at Jinggoy Estrada na walang pondo at “after one week” naman kay Sen. Koko Pimentel.

Hindi na po aabot ang pondo n’yo dahil kinuha na ho ni Lord ang bata.

Sana ho huwag naman kunin ni Lord ang pondo n’yo.

P5,000 NI LITO LAPID

Nagbigay ng P5,000 si Sen. Lito Lapid na tulong sa bisa ng kanyang PDAF na kinakailangang dumaan muna sa DSWD.

INUTIL NA DSWD

P5,000 lang ang kukunin pero sandamukal na hirap ang dinanas ng mga Hernandez sa DSWD-NCR d’yan sa Legarda.

Alas-2 ng hapon nang dumating si Thaina Hernandez na ina ng pasyente sa DSWD na nanggaling pa ng Nueva Ecija.

Alas-6 na nang interbyuhin ito ng mga gunggong d’yan sa DSWD.

Anong nangyari?

Mag-follow up daw after  one week para malaman kung ok na.

At kapag ok na raw ay kailangang lumuwas sila mula Nueva Ecija at bumalik sa DSWD.

Mga gago pala kayo dyan eh! Galing pa ng Nueva Ecija pababalik-balikin n’yo r’yan?

KAYO NA LANG SANA ANG KUNIN

‘Yung mga tulad n’yo r’yan sa DSWD ang dapat kunin ni  Lord.

Bago raw iproseso ay kailangan ng 3 sets ng dokumento na mahigit sampung kopya ang isang set.

Sa madaling salita mahigit isang daang  piso ang gagastusin mo, dokumento pa lamang.

Magkano ang pamasahe mula probinsya papunta at pabalik.

Siyempre kakain ka naman kahit paano kaya sa madaling salita pinakamahinang gagastusin mo ay P1,500 sa isang biyahe.

Magkano na lang ang matitira sa pasyente kapag nakuha ang perang P5,000?

Hayop! Baka mineral water na lang ang mabili ng pasyente!

INUTIL SI BONOAN

Patong-patong ang reklamo dahil inutil ang DSWD-NCR d’yan sa Legarda.

Parang pulubing namamalimos kung itrato nito ang mga taong nangangailangan sa kanila.

Dir. Alicia Bonoan, ito ba ang itinuturo mo sa mga tauhan mo?

Patay na ho yung pasyenteng humihingi ng tulong dahil sa pagiging inutil ng mga tauhan n’yo at siyempre kasama na rin ho kayo roon.

Huwag ho kayong mag-alala, susulsulan po namin ang pamilya ng namatayan na kasuhan kayo sa Ombudsman para naman magising kayo.

Mga punyeta kayo! BOBO! Nanggigigil sa inyo ang ULTIMATUM. Sana kayo na lang ang namatay!

Sa susunod ay ibubunyag naman natin ang scam ng DSWD ni Bonoan.

UZI TEXT

Text ng mga UZIserong buwisit na sa sistema.

Magandang araw po, Sir Benny.

Gusto ko lamang pong iparating sa pamunuan ng SMART telecom na lagi na lang walang signal dito sa Ariston-West, Asingan Pangasinan.

Pahirapan ang pagte-text o pagtawag lalo na po kapag emergency. Puro service not available ang naririnig sa cellphone.

Suwertihan na lang kapag naka-text ka ng sunod-sunod. Puro delayed pa ang mga text message na dumarating, ano ba yan! Smart paki-ayos naman. Thanks. God bless.  +6391845….

oOo

Anomang reklamo o puna ay itawag o i-text sa 09214303333.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply