Bodyguard ng ex-congressman patay sa inawat sa away

PATAY agad ang pulis na bodyguard ni dating Davao del Norte Rep. Tony Boy Florendo matapos pagbabarilin ng kanyang inawat sa away, kaninang madaling-araw sa Panabo.

Kinilala ang napatay na si SPO3 Roberto Martinez, 35, PNP member, nakatalaga sa Police Regional Office (PRO-XI).

Sa imbestigasyon, ala-1:00 ng madaling-araw nang mamagitan si Martinez sa mga nagtatalo upang patahimikin ang mga ito ngunit sa halip na humupa ang away ay siya ang pinagbalingan ng suspek na si Roque Duhale Jr. at pinagbabaril siya hanggang mapatay.

Lumalabas na si Duhale ay kapatid ni Panabo City Councilor Badjong Duhale.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply