Bohemian Rhapsody, Dance With My Father inawit ni Jessica

INAWIT ni Jessica Sanchez ang Bohemian Rhapsody sa unang round ng performance night kanina (umaga sa sa Pinas) ng American Idol.

Ang unang tema ngayong gabi ay ang mga awitin na pinasikat ng legendary rock band na Queen.

Ani Steven Tyler: “Freddie Mercury (dating frontman ng Queen) would be proud to hear that. Rock isn’t your forte, but it was good.”

Ayon sa mga judges na sina Tyler, Randy Jackson at Jennifer Lopez, mahusay naman ang pagkakakanta ni Jessica ngunit kailangan lamang i-improve ng dalaga ang kanyang performance sa stage at mas maging energetic.

Pinayuhan pa ni judge Randy Jackson si Jessica na panoorin ang mga video ng performance ni Tina Turner para makakuha ng technique.

Inawit ng iba pang Idol hopefuls:

Phillip Phillips- “Fat Bottomed Girls”
Skylar Laine – “The Show Must Go On.”
Joshua Ledet – “This Crazy Little Thing Called Love,”
Elise Testone – “I Want it All”
Hollie Cavanagh -“Save Me.”

Sa ikalawang round, bumawi at tila nakapuntos ang 16-anyos na Pinay sa kanyang rendition ng Dance With My Father ni Luther Vandross para sa temang personal song choice.

Dito, umani ng papuri ang dalaga dahil lumabas anila ang matagal na nilang hinahanap na emosyon sa pagkanta ng 16-anyos na Fila-Am.

Para kay Jackson, amazing talaga ang boses ni Jessica.

Umani naman ng standing ovation si Hollie matapos ang mahusay na pagkaka-awit niya sa hit song ni Miley Cyrus na The Climb.

Sa round ding ito, hindi nagustuhan ni J-Lo ang performance ni Philip Philips na kinontra naman ni Jackson matapos na maibigan niya ang performance ng gwapong singer.

Abangan bukas ng umaga (gabi sa Amerika) ang resulta ng eliminasyon!

Sino kaya ang magpapatuloy at sino ang tuluyang pauuwiin?

Inawit ng iba pang Idol hopefuls:

Philip Phillips – “The Stone” by Dave Matthews Band
Skylar Laine – “Tattoos on This Town” by Jason Aldean
Joshua Ledet – “Ready for Love” by India Arie
Elise Testone – “Bold as Love” by Jimi Hendrix
Hollie Cavanagh – “The Climb” by Miley Cyrus

***

(Marami pong salamat sa mga nagbabasa at nagbibigay ng komento, malaki po ang naitutulong ninyo sa amin. Patuloy n’yo po kaming suportahan. God bless!)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply