Bona si Eugene!

EXCITED na raw si Eugene Domingo habang pinaghahandaan ang gagawing stage play version ng critically acclaimed movie noon nina Nora Aunor at Philip Salvador na Bona. “I’m vey honored to have the honor to honor Miss Nora Aunor!” nangiti niyang sabi nang makakuwentuhan namin.

“My goodness… I am so Aunored! Hahaha! Alam mo sa totoo lang, meron talaga kaming connections. I mean… magaan ang loob niya sa akin. Nagpapasalamat ako.”

“Ako naman, talagang bow na bow ako talaga kay Miss Nora Aunor. Naramdaman ko naman na parang kampante siya na pirmahan niya na… nag-go signal.”

“At ako naman e… buong lakas kong aalagaan kung anuman ‘yong kanyang itinatak sa Bona. And… ‘yong gagawin ko naman, it’s a stage version. You don’t expect to see the same on film. Okay? Iba ang dynamics sa theather.

“And also… ia-update natin ‘yan. Because 70’s pa ‘yon, hindi ba? So ia-update natin iyan to… 21st century. May fresh elements pa rin.”

Ayaw pang i-reveal ni Uge kung sino ang gaganap sa role ni Philip Salvador bilang aktor na sinamba ng alalay na si Bona (character nga ni Nora sa pelikula).

“Hindi ko alam kung meron akong authority na sabihin ‘yan. But I’m very sure, magugustuhan ninyo. He’s so hot!” tawa na naman niya. “So handsome!”

Pinag-uusapan ngayon ay ang pagtatambal nga nila ni Ogie Alcasid sa pelikulang I Dubidoo Bidoo. Kasi ay may nasabi si Regine Velasquez na ang talagang pagsiselosan daw nito ay ang pakikipagtambal ni Ogie sa isang Eugene Domingo.

“’Yan naman ang gusto ko kay Song Bird, e! Hahaha! Marunong, e. Hahaha! Alam mo na? Kung kilala mo ako…hindi ako pabubuko! Hahahahaha!

“Ay… alam mo… si Ogie Alcasid, natural comedian. Ang ganda-ganda ng timing! Nadadamay ako sa husay niya, e. Sa totoo lang!”

Since Holy Week na, natanong din namin si Uge kung ano ang plano niya in observance of the Lenten Season nga.

“May trabaho ako, e. May shooting kami ng Kimidora and The Temple of Kiyeme. Nagmamadali na kami. Malapit na kaming ipalabas. Bago magpasukan so tuloy-tuloy ang work. At saka… baka mag-general cleaning. Kasi nagkalat na ‘yong trophies ko, e!” tumatawang biro pa ng kapapanalong Most Favorite Actress sa Asian Film Awards at best comedy actress naman sa katatapos na Golden Screen Awards.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply