UPDATE: Boykot sa Chinese products ibinasura ng M’cañang

IBINASURA ngayon ng Malakanyang ang iminumungkahing total ban at pagtataas sa buwis ng mga produktong gawa at mula sa China.

Bago ito, isinusulong ng ilang kongresista ang pagboykot o pagdaragdag ng buwis sa mga Chinese product bilang protesta sa pang-aangkin ng China sa Scarborough Shoal o Panatag Shoal.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, na lalo lamang magpapalala sa gusot ng dalawang bansa ang nasabing panukala.

Aniya, pinaghihirapang resolbahin ng gobyerno sa mapayapang paraan ang nasabing gusot kaya hindi dapat gatungan ang isyu na magpapalala sa sitwasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply