Broadcaster Angelo Castro Jr. pumanaw na

PUMANAW na ang itinuturing na isa sa mga haligi ng broadcast-journalism na si Angelo Castro Jr., dahil sa cancer.

Si Castro ay sumakabilang buhay sa edad na  67 ngayon araw sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City, matagal na ring nakipaglaban sa lung cancer.

Si Castro ay kilalang broadcast journalist sa noon ay “The World Tonight” mula nang bumalik sa sa ere sa ABS-CBN noong 1986 at lumipat sa ANC noong 1999.

Unti-unting ginupo ng karamdaman si Castro hanggang sa lumiban na sa ere at napilitang iwanan ang kanyang show.

Kamakailan, ang asawa ni Castro na si June Keithley Castro ay lumantad sa ANC at ipinahayag na kapwa sila nakikipagbaka ng mister sa cancer.

Si Keithley ay na-diagnosed na may breast cancer noong 2009.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply