Brownout sa MM ‘di dapat pangambahan

KINALMA ng pamahalaan ang pangamba ng mamamayan sa mga nararanasang brownout sa Metro Manila nitong nakaraang araw.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, ang mga naranasang brownouts sa Metro Manila ay sanhi ng maintenance at hindi sa kakulangan ng supply ng kuryente na una nang inanunsiyo ng Manila Electric Co. (MERALCO).

Nilinaw din ni Valte na wala itong kaugnayan sa mga naranasang rotational brownouts sa Mindanao dahil sa power problem ang schedule ng brownout sa Metro Manila.

Una rito, inihayag ni Senate President Juan Ponce-Enrile na panahon na para pag-aralan ng pamahalaan ang pagtatayo ng nuclear power plant bilang long term solution sa nararanasang krisis sa enerhiya sa bansa lalo na sa Mindanao.

Ito ang isinulong ni Enrile sa harap ng banta na maaaring lumawak pa sa Luzon at Visayas ang krisis sa suplay ng kuryente na nararanasan sa Southern Philippines.

Naniniwala si Enrile na wala nang ibang pang-matagalang solusyon kundi ang maisakatupran ang nuclear power plant.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply