BRP Pampanga nagkaaberya sa Scarborough

NAGKAABERYA ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na BRP Pampanga na nagbabantay sa Scarborough Shoal.

Ayon kay PCG Commandant Admiral Edmund Tan, nasira ang generator ng BRP Pampanga kaya kailangan nitong bumalik sa Subic.

Ang BRP Edsa naman ang papalit sa nagkaaberyang barko matapos itong makakuha ng suplay at makapag-refuel.

Sinabi pa ng opisyal na sakaling hindi agad makabalik ang BRP Pampanga ay balak namang ipadala sa isla ang BRP Corregidor.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply