BuCor dapat magdagdag ng tauhan– solon

DAHIL sa kakulangan ng tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) ay isinulong ng isang kongresista ang panukala para madagdagan ang tauhan nito.

Ayon kay Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera-Dy, nasa 1,328 lamang ang custodial personnel ng BuCor na nagbabantay sa 35,937 preso sa iba’t ibang bilangguan na nasa ilalim ng pangangasiwa ng ahensya.

Ito ay nangangahulugan aniya na ang isang jail guard ay nagbabantay sa 81 preso na malayong-malayo sa ideal ratio na 1 is to 6.

Ang BuCor ang nangangasiwa sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa, Correctional Institution for Women sa Mandalauyong at Davao, Iwahig Prison at Penal Farm sa Palawa, Sablayan Prison at Penal Farm sa Occidental Mindoro, San Ramon Prison at Penal Farm sa Zamboanga City, Leyte Regional Prison, Davao Prison at Penal Farm.

Ayon kay Herrera-Dy, kailangan na magkaroon ng reporma sa BuCor dahil sa malaking kakulangan sa tauhan nito.

Dapat aniyang matulad sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na tuluy-tuloy ang recruitment ng dagdag na 500 jail personnel kada taon hanggang sa umabot ang jail prisoner ratio nito na 1 is to 7.

Ang kasalukuyang ratio naman ng BJMP ay isang jail guard sa 18 preso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply