Buhangin sa Boracay nauubos na — DENR

NAWAWALA o nauubos na ang pamosong puting buhangin sa Boracay dahil sa mga development project sa isla ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sinabi kaninang umaga ni Environment Secretary Ramon Paje na ang mga resort at commercial establishment ay pumasok na sa “easement portion” o sa bandang bahagi ng naturang beach.

“It should be no-build zone. Ang proposal po namin, i-clear iyon. Kapag pumunta ka doon, mayroong mga tiangge-tiangge,” pahayag ni Paje. “Kung iyon ang masisira, iyun ang jewel ng Boracay, wala nang Boracay.”

Idinagdag pa ni Paje na ilan sa mga resort ay nagtayo na ng embnkments para mapigilan ang  tubig sa karagatan na pumasok sa kanilang lugar.

“Mayroon na kaming nakitang areas doon na nagkakaroon na ng scouring. May mga portions doon na halos wala nang buhangin,” pagbubunyag pa nito.

Karamihan pa aniya sa mga establisimyento ay nagtayo na ng coffee shops na itinirik sa tinatawag na easement portion ng beach. “Iyung mga iba permanent, sementado,” anang Kalihim.

Ihinalimaba ni Paje ang Waling-waling Resort at ang West Cove, na gumagawa ng headlines matapos itong iugnay kay boxing uperstar at Sarangani Rep. Manny Pacquiao.

Sinabi ni Paje na nakakuha ang West Cove ng permiso pero para i-develop lamang ang may 900 square meters ng lupa.

“Latest na pinuntahan namin, 9,000 (square meters) na (developed),” pahayag nito. “In effect, wala siyang permit sa 8,000 more.”

Kaugnay nito, sinabi ng environment chief na naalarma na rin si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III hinggil sa nasabaing isyu.

“Nag-create siya ng grupo, si (Tourism Secretary) Ramon Jimenez, ako, si (Interior Secretary) Jesse Robredo at DOJ Secretary Leila de Lima. Sinama namin si Health Secretary Enrique Ona.”

Ani Paje, ang nasabing committee ay siyang nagkakasa ng rekomendasyon sa Pangulo hinggil sa solusyon sa naturang problema sa Boracay at maging sa Baguio City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply