Bulls nilitson ng Heat

WALA pa ring kasiguruhan kung sino ang magiging No. 1 sa Eastern Conference pagkatapos ng 2011-12 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Hawak ng Chicago Bulls ang top spot subalit kaninang umaga ay natalo sila sa Miami Heat, 72-83 kaya lumakas ang tsansa ng huli na makuha ang unahan ng EC.

Kumana si star player LeBron James ng 27 puntos, 11 rebounds at anim na assists habang 18 points, limang assists at tatlong boards ang tinikada ni Dwyane Wade upang ilista ng Heat ang five-game winning streak.

”This is what the postseason is all about,” sabi ni James. ”Both teams struggling to score offensively, and defensively, two very good defensive teams. It’s a possession game. That’s what happens in the postseason. The game slows down. Not many fast-break points. You’ve got to work for every attempt, work for every shot.”

Nag-ambag si Mario Chalmers ng 16 points habang si Udonis Haslem ay may 10 rebounds para sa Heat.

”This season’s been a long, short year,” ani Wade. ”But this is the time of the year we all love and enjoy.”

Hindi naglaro ang pambato ng Bulls na si reigning NBA MVP Derrick Rose habang ang isa sa “Big 3s” ng Heat na si Chris Bosh ay naging tagapalakpak muna dahil nagpapagaling pa sa injuries.

Si bench player John Lucas ang nag-top scorer para sa Bulls na may 16 markers anim na boards at apat na assists, sinegundahan siya ni center Joakim Noah ay bumakas ng 15 pts. at 10 rebounds.

”We wanted it bad, but they wanted it more,” sabi ni Noah. ”That can’t happen.”

Tangan ng Bulls ang 47-16 win-loss record habang 45-17 panalo-talo karta ang bitbit ng Heat.

Samantala, sa ibang resulta ng laro sa NBA, tinalo ng New Orleans Hornets ang Houston Rockets sa overtime period, 105-99 habang sinagpang ng Minnesota Timberwolves ang Detroit Pistons, 91-80.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply