Bumabang ‘satisfaction rating’ tanggap ni PNoy

INAMIN ng Malakanyang na talagang bumaba ang satisfaction rating ni Pangulong Benigno Aquino III mula sa “very good” na ngayon ay “good” na lamang.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na nakuha ni Pangulong Aquino ang rating sa balance Luzon sa hanay ng Class D kung saan ang usapin ay may kinalaman sa mataas na singil sa pasahe sa jeepney.

“We believe, however, that as efforts such as Pantawid Pasada kick in, combined with low inflation and improved prospects in agricultural and other exports, that the situation will stabilize and there will be renewed satisfaction with the President,” ayon kay Usec. Valte.

Sa kabilang dako, nananatiling very good ang satisfaction rating ni Pangulong Aquino sa hanay naman ng Class ABC at E.

Malinaw aniya na naiintindihan ng Middle Class ang tinatawa na “external reasons” para sa oil price increases, habang ang Social Safety Nets ng administrasyon ay gumagalaw sa Class E.

Sa ulat, bumaba sa “good” mula sa “very good” ang satisfaction rating ni Pangulong Aquino kung saan halos pito sa sampung Pilipino ay satisfied sa kanyang trabaho, ayon sa panibagong survey ng Social Weather Stations.

Sa survey na isinagawa noong Marso 10-13 sa taong ito, nakikita sa SWS First Quarter Social Weather Report na 68 percent sa mga sumagot ay satisfied sa performance ni Aquino at 19 percent naman ay hindi.

Ayon sa SWS, nakakuha ng “good” net satisfaction rate na +49 si Aquino matapos ibawas ang dissatisfied (19 percent) mula sa satisfied (68 percent).

Bumaba ito ng siyam na puntos mula sa naunang “very good” net satisfaction rating ng Pangulo na +58 (71 percent satisfied, 13 percent dissatisfied) noong Disyembre, ayon sa SWS.

Ang classification ng net satisfaction ng SWS ay: excellent (+70 and above); very good (+50 to +69); good (+30 to +49); moderate (+10 to +29); neutral (+9 to -9); poor (-10 to -29); bad (-30 to -49); very bad (-50 to -69); and execrable (-70 and below).

Ayon sa SWS, ito ang ikalawang pagkakataong nakakuha ng “good” net rating ang Pangulo. Nakakuha rin siya ng “good” net rating na +46 noong Hunyo ng nakaraang taon.

Sa kabila nito, mas marami pa rin ang “very good” scores ni Aquino, kung saan +64 ang pinakamataas niyang nakuhang net satisfaction rating noong Nobyembre 2010.

Ayon sa survey, karamihan sa ABC socio-economic class ay satisfied sa performance ni Aquino. Nakakuha siya ng +62 (very good) net satisfaction rating mula sa ABC class, kung saan 79 percent ay satisfied at 16 percent naman ay dissatified (correctly rounded). Sa nakaraang sarbey, nakakuha siya ng +61 net rating (72 percent satisfied, 11 percent dissatisfied).

Patuloy ding nakakakuha ng +52 o “very good” net satisfaction rating si Aquino mula sa class E (68 percent satisfied, 16 percent dissatisfied), ngunit bumaba ito mula sa +56 net rating sa nakaraang survey.

Samantala, lubos namang bumagsak ang net satisfaction rating ni Aquino sa class D o masa. Mula sa “very good” rating na +58 noong Disyembre (72 percent satisfied, 13 pecent dissatisfied), bumaba sa +46 o “good” (67 percent satisfied, 20 percent dissatisfied, correctly rounded) ang net rating ng Pangulo.

Nakasaad sa survey na mas satisfied ang mga babae kay Aquino kung ikukumpara sa ratings ng mga lalaki.

Nanatili namang “very good” o net +50 (68 percent satisfied, 18 percent dissatisfied) ang rating ni Aquino sa mga babae, habang bumaba naman sa “good” o +48 (68 percent satisfied, 20 percent dissatisfied) ang kanyang nakuha mula sa mga lalaki.

Kaugnay nito, karamihan sa mga sumagot –52 percent– ay naniniwalang pumapabor si Aquino sa middle class, ngunit bumaba ito mula sa 55 percent noong Setyembre 2010.

Bumaba naman ang mga naniniwalang pumapabor si Aquino sa mga mahihirap; mula sa 48 percent ng nakaraang sarbey, naging 35 percent na lamang ito.

Samantala, marami pa rin ang naniniwalang pumapabor si Aquino sa mga mayayaman –mula sa 23 percent sa nakaraang sarbey, tumaas ito ng 27 percent.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply