Bumisita sa Visita Iglesia website record-breaking

RECORD-BREAKING na maituturing ang bilang ng mga online visitors sa Visita Iglesia website na inilunsad ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kung saan mahigit 203,000 users na ang naglog-on ngayong umaga lamang, Sabado, Abril 7.

Nabatid pa na noong Maundy Thursday at Good Friday, naitala din ang mahigit 20,000 bilang ng mga nagbukas sa kanilang website na www.visitaiglesia.net.

Ang nabanggit na bilang umano ay mas mataas sa 100,000-visitor mark noong nakaraang taong Biyernes Santo.

Itinayo ng CBCP ang naturang website para umano sa mga deboto na nahirapang tuparin ang tradisyon na pagbisita ng pitong simbahan tuwing Holy Week.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply