Bungo ng estudyante sabog sa 2 holdaper

SABOG ang ulo ng isang estudyante nang barilin ng dalawang hindi nakikilalang lalaki na sakay ng motorsiklo makaraang umalma sa pang-aagaw ng dalawa sa kanyang cellphone sa General Santos City kaninang madaling-araw.

Dead on arrival sa ospital ang biktimang si Jayson Siao, 19, ng Zone 6 Block 11, Barangay Fatima, General Santos City dahil sa tama ng bala ng baril sa noo.

Ikinasa na ng Fatima Police PNP para panagutin sa krimen ang pagtugis sa dalawang suspek na lulan sa walang plakang motorsiklo.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong 12:45 ng madaling-araw ilang metro lamang ang layo sa bahay ng biktima.

Bago ito, naglalaro ng baraha ang biktima nang biglang lapitan ng isang lalaking nakaangkas sa motorsiklo at inagaw ang kanyang cellphone.

Umalma naman ang biktima dahilan para barilin siya ng mga suspek bago nagsitakas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply