Bus nawalan ng preno, 12 pasahero sugatan

SUGATAN ang 12 pasahero matapos mawalan ng preno ang isang bus sa Sitio Gabur, Burgos, La Union.

Nabatid na alas-7:30 ng gabi nang maaksidente ang bus habang binabaybay ang daan patungong San Fernando City.

Dahil sa kawalan ng preno ay muntik pang mahulog sa bangin ang bus, kung hindi naisipan ng drayber na si Jimmy Oblero na ibangga na lamang ito sa isang poste.

Nabatid na sakay ang 28 pasahero sa bus nang maganap ang aksidente.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply