Bus ng Victory Liner hinarang ng QC police

UMABOT hanggang Quezon City ang ginawang pagtugis ng pinagsanib na puwersa ng Special Weapon and Tactics Team ng Quezon City Police, MMDA at mga pulis ng ibang lungsod dahil sa impormasyon na isang unit ng Victory Liner bus ang sinakyan umano ng tatlong armadong mga holdaper na nangholdap sa mga pasahero ng Jackpherlyn Bus sa bahagi ng Estrella St. Makati City kaninang umaga.

Dahil dito hinarang ng mga pulis ang halos lahat ng bus partikular ang Victory Liner sa kahabaan ng Edsa mula Makati hanggang Quezon City sa pagbabakasakaling matiyempuhan ang mga suspek na pawang armado ng kalibre .45 mga baril na tumangay ng mga cellphone at iba pang mga personal na kagamitan ng mga pasahero ng Jackpherlyn bus na patungong Fairview, Quezon City.

Nauna ng inireport sa mga pulis ang ilang nabiktima na kinilalang sina Chris Abad, Aileen Abmana, Michelle Diaz at mga pasahero bago ibinigay ang deskripsiyon ng bus sa tanggapan ng MMDA Rescue team.

Dahil dito isang dragnet operation ang isinagawa ng QC police at hinarang ang bus na may body number 1890 na umanoy sinakyan ng mga armadong holdaper.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply