Bus sa EDSA-Makati hinoldap ng 3 armado

NAG-PANIC ang mga sakay ng isang pampasaherong bus nang holdapin sila ng tatlong lalaki habang nasa EDSA-Makati City kanina.

Sa imbestigasyon, binabaybay ng bus na biyaheng Baclaran-Fairview ang Estrella street cor. EDSA Avenue sa Makati City nang sumakay ang mga suspek saka agad na bumunot ng baril at nagdeklara ng holdap.

Nakuha sa mga pasahero ng bus ang mga cellphone, bag at wallet.

Bigo naman ang pulisya na mahuli ang tatlo na agad nagpalipag-lipat ng bus na sinakyan sa pagtakas.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply