Bus sumalpok sa trak, pader: 3 patay, 13 sugatan

TATLO ang patay habang 13 ang sugatan makaraang mawalan ng kontrol ang sinasakyang nilang bus at sumalpok sa isang trak at pader ng isang creek sa North Luzon Expressway sa Valenzuela City kaninang madaling araw, Huwebes, Abril 12.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng awtoridad ang posibilidad na nakatulog umano ang bus driver na kasama sa nasawi bago ang aksidente.

“Yung initial report tatlo ang namatay at nasa 13 ang sugatan,” ayon kay NLEX traffic Kontrol supervisor Ariel Salita sa isang panayam sa dzBB.

Naganap ang insidente bandang alas-4:50 ng madaling araw na kinasasangkutan ng Genesis bus at 16-wheeler truck sa southbound part ng NLEX malapit sa Torres Bugallon overpass.

Ayon pa sa pahayag ng mga pasahero, nabangga ng bus ang trak makaraang mawalan ito ng Kontrol kasunod ng pagsalpok nito sa pader ng isang creek.

“Ang initial report, nakatulog ang driver ng Genesis bus, pero hindi confirmed ang impormasyong ito,” ayon pa kay Salita.

Nabatid pa na ang naturang bus (body number 81879) ay nawasak dahil sa lakas ng impact nang sumalpok ito sa trak.

“Palundag-lundag tapos bigla kami bumangga, papreno-preno siya, biglang punta kami sa sulok. Tapos sira na upuan namin, subsob kami sa harapan,” pahayag ng isa sa nasugatang pasahero na hindi pinangalanan.

Ayon naman sa truck driver na si Elmer Gomez, handa siyang magbigay ng pahayag tungkol sa totoong nangyari.

Nasawi sa naturang aksidente ang driver ng bus na si William Calma, kundoktor na si Junalito Huñot at pasaherong si Aguilar Bunsa kung saan dinala na ang mga bangkay ng biktima sa Philip Sabino Funeral Homes sa Valenzuela.

Kabilang naman sa mga nasugatan sina Antonio Almazan, Lilian Militante, mag-asawang Artemio at Maria Teresa Bacani at ang 9-taong gulang nilang anak na si Israel.

Anim sa mga sugatan ang isinugod sa MCU Hospital sa Caloocan City, lima sa Quezon City General Hospital at dalawa sa Philippine Orthopedic Center.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply