Bus terminals sa MM balik-normal na

NAGBALIK na sa normal ang operasyon ng mga bus terminal sa Metro Manila matapos ang Holy Week break at Araw ng Kagitingan.

Sa Malibay, Pasay City, normal na ang operasyon ng bus terminals tulad ng PhilTranco sa Northbound lane ng Edsa at Victory Liner sa Southbound lane.

Samantala, nakabalik na sa 34 ang biyahe ng mga bus ng PhilTranco na nagpapatakbo ng 60 bus nitong nakalipas na Holy Week at karamihan sa mga biyahe ay patungong Bicol.

Sa Araneta Center Bus Terminal sa Cubao, Quezon City, patuloy pa rin ang pagdating ng mga bakasyunista mula sa mga lalawigan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply