Bus vs dyip: 3 patay, 20 sugatan

KAAGAD nasawi ang tatlo katao habang 20 naman ang sugatan sa naganap na head on collision ng isang pampasaherong bus at pribadong jeepney sa lalawigan ng Camarines Sur.

Kinilala ang mga namatay na sina Alberto Resava, 40; Nelson Mayo, 39; at Cecille Resava, 55, pawang mga taga-Barangay Malabanan, Balete, Batangas City.

Naganap ang naturang aksidente sa Andaya Highway kung saan pauwi na sana ng Batangas ang jeep nang bigla na lamang mabangga ng PP Bus Line na nagmula Metro Manila.

Nabatid pa na galing sa kasalan ang naturang jeep sa bayan ng Libmanan at hindi inaasahang makakasalpukan nito ang bus na umano’y nawalan ng kontrol.

Napag-alamang 17 sa mga nasugatan ay sakay ng jeep kung saan tatlo rito ay pawang mga menor de edad habang ang tatlo ay mga pasahero ng bus.

Hindi naman natukoy ng mga awtoridad ang pangalan ng driver ng bus dahil agad din itong tumakas matapos ang pangyayari.

Kasalukuyan namang nakaratay sa iba’t ibang ospital ang mga biktima.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply