Buwayang pulis ng Batangas isinusuka ng driver

NGAYON ay bigyan natin ng daan itong reklamo ng isang concerned citizen kaugnay sa “buwayang pulis” na si SPO Box Arganoza, ng Sto. Tomas, Batangas.

Ibang klase kung manghuli ang pulis na ito dahil sa  kakaibang style ng kanyang panghuhuli.

Mantakin n’yo, sa halip na isurender ng mamang pulis na ito sa city treasurer’s office ang mga lisensyang kanyang kinumpiska, iniipit ng mamang pulis ang mga lisensya ng tsuper para nga naman sa kanya mismo tubusin ng driver.

Ang masakit nito, grabe raw  kung ipatubos ng tarantadong pulis na ito ang mga lisensya ng kanyang mga nahuhuling driver.

Heto ang text message.

Dear Sir Johnny, ako ay may passenger jeep. Ang biyahe ay Tanauan at San Pablo.

Dalawang beses na akong nahuli ni SPO Arganoza, police Sto. Tomas, Batangas. Sa detachment sa tabi ng Sto. Tomas Public Market at malapit sa Mercury ninyo siya makikita. Noong tutubusin ko na sa munisipyo sa pag-aakalang andun na sa treasurer’s office ng Sto. Tomas  Municipality ang aking lisensya, wala pala roon.

Dala ko pa naman ang aking TOP na pirmado ni SPO Arganoza.  Hinahanap ko sya sa detachment.

Nakausap ko siya, tinanong ko ang lisensya ko. Ang sabi n’ya, nasa kanya pa kaya pinatubos niya sa akin ng isang libong piso. Sa hirap ko sa paghahanap ng license ko,  binayaran ko na lang ang buwayang pulis. Ang dami niyang hawak na license na sa kanya na mismo tinutubos at hindi sa munisipyo. Kaya nang matubos ko ang lisensya ko, mga apat pa  ang nakita ko na nagtutubos ng lisensya sa buwa-yang pulis. Kawawa kami sa buwayang pulis na yan, Mr. Magalona. Pakitawagan ninyo ng pansin sina Mayor Atong Pederico at ang hepe na si Col. Castillo na sibakin na si Arganoza, ang buwayang pulis.

Anoman ang reklamo mangyari ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply