Buwelta ng Pilipinas sa China: Kayo ang umalis!

AGAD sinagot ng Pilipinas ang waring utos ng China na alisin na ng bansa ang mga sasakyang pandagat sa Scarborough Shoal kung nais ng Pilipinas na mapayapang usapin.

Ani Presidential Communications Sec. Ricky Carandang, teritoryo ng Pilipinas ang Panatag Shoal kaya ang Chinese vessels ang dapat umalis.

Ito ang naging reakyon ng pamahalaan, nang ihirit ng Beijing na dapat umalis ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) kasabay ng pagpapadala ng ikalawang aircraft para takutin ang mga mangingisdang Pilipino sa isla.

Ayon kay Carandang, normal lamang ang sagutan sa territorial dispute dahil may kanya-kanyang posisyon ang mga ito pero hindi aniya ito sapat para basta na lang utusan ng China ang Pilipinas sa dapat na gawin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply