Cafgu utas sa ambush sa Maguindanao

PATAY ang isang kasapi ng CAFGU, habang isa pa ang sugatan matapos silang ratratin ng armadong kalalakihan habang naglalakad sa Maguindanao.

Hindi muna inilabas ng awtoridad ang pagkakilanlan ng mga biktima habang hindi pa naipababatid ang insidente sa kanilang pamilya.

Sa imbestigasyon, naglalakad ang mga biktima sa Secretary Narciso Highway sa Matanog, Maguindanao nang pagbabarilin ng mga armadong grupo.

Patay agad ang isa, habang sugatan namang nakatakbo palayo ang isa pang kasama nito.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply