CAFGU utas sa pamamaril sa Cotabato

PATAY ang isang miyembro ng kasapi ng Special Civilian Active Auxiliary (SCAA) matapos barilin sa Sitio Matin-aw, Brgy. Rangayen, Alamada, North Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Valerio Dapar, ng Sitio Del Pilar, nakadestino sa Tinibtiban detachment ng 38th Infantry Battalion, Philippine Army sa  Brgy. Batolawan, Pikit, North Cotabato.

Nabatid na pauwi na ng kanyang tahanan ang biktima nang pagbabarilin ng suspek na si Edwin Alad-ad gamit ang 12 gauge shotgun na naging dahilan ng agaran niyang kamatayan.

Agad namang nagsagawa ng manhunt operation ang militar at pulisya laban sa suspek.

Hinala ng pulisya na personal na galit ang motibo sa pamamaslang.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply