Camarines Norte binabantayan sa fishkill

BINABANTAYAN ngayon ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Committee ang bayan ng Jose Panganiban sa Camarines Norte dahil sa posibilidad nang pagkakaroon ng fishkill.

Ito ay kasunod nang naganap na malawakang mudslide o pagbaha ng putik sa Barangay Bagumbayan sanhi nang pagkakasira ng tailing pond ng Johnson Gold Mining Corporation.

Ayon sa ulat, umabot na sa may katubigan ang buntot ng mudslide.

Dahil dito, nakaalerto na ang mga kinauukulan upang mabantayan ang posibilidad ng fishkill.

Pansamantala na ring isinara ang kalsada na kumokonekta sa barangay  Poblacion at Osmeña nang masira ang tailing ponds ng minahan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply