CamSur inmates pinigsa at binubulutong na

HINIGPITAN na kaninang umaga ng district jail officers sa Camarines Sur ang pagpapasok ng mga bisita sa mga bilanggo.

Ito ay matapos mahawaan ng chicken pox ang isa sa mga preso ng Tigaon District Jail nang bisitahin ng kanyang kamag-anak na kagagaling lamang sa nasabing sakit.

Dahil dito, nahawaan na rin ang iba pang kasamahang preso sa kanyang selda.

Sa ngayon, umaabot na sa 18 preso ang nahawa ng bulutong at pito sa kanila ay ihiniwalay na ng selda.

Kaugnay nito, doble ingat ngayon ang jail officers sa pagpapapasok ng mga bisita lalo na pagdating sa kondisyon ng kanilang kalusugan maging sa mga dala-dala nilang pagkain.

Sa Naga City District Jail naman, umaabot na sa 10 mga bilanggo ang may pigsa at inaasahang tataas pa ang bilang nito habang sa kasagsagan ng matinding init ng panahon.

Maliban sa mga gamot, pinayuhan naman ng pamunuan ng mga bilangguan ang inmates na magkaroon ng proper hygiene o maligo araw-araw upang maiwasang magkaroon ng pigsa at bulutong na karaniwang sakit sa panahon ng tag-init.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply