Candaba Mayor Gerry Pelayo

SA lalawigan ng Pampanga, bihira ang ‘di nakakikilala kay Candaba Mayor Jerry Pelayo dahil sa angkin nitong popularidad at kasikatan.

‘Di lang sa kanyang probinsya sikat ang alkalde, ang makinang niyang pangalan ay tema rin ng huntahan kahit saang lugar sa bansa.

Kung bakit angat ang personalidad ni Mayor Pelayo ay bagay na ‘di maarok ng ilang politiko at kapwa niya elected officials. Ang isa kong kaibigang city official ay minsang natanong sa Chokepoint kung ano ang sikreto ng popular na punong bayan ng Candaba.

Sa aking pagkakaalam, si Mayor Pelayo ay simpleng tao, masugid na negosyante na biglang napasok sa larangan ng serbisyo publiko. Marahil ang likas na magaling na pakikitungo sa kapwa ang naging batayan ng mga taga-Candaba para siya’y maluklok sa puwesto.

Tinambalan pa ito ng maayos na serbisyo-publiko kaya siya’y nanatali ng tatlong termino bilang punong bayan ng Candaba.

Dahil sa maayos na pamamahala, unti-unting nakilala rin ang Candaba na maituturing na ngayong isa sa progresibong lugar ng Pampanga.

Maliit na bayan ang Candaba kung maituturing, subalit tinalo ang iba pang bayan ng mga Kabalen dahil sa tinatamo na rin na kasi-katan. Ang Candaba ay nakilala dahil napanatiling maayos ni Mayor Pelayo ang lugar kung saan ma-sisilayan ang iba’t ibang uri ng ibon.

Nakilala ang Candaba, ‘di lang sa buong bansa kundi maging sa ibang bansa dahil ang birds sanctuary ay naging ‘hit’ sa media.

Kung ‘di sa pagmamalasakit ni Mayor Pelayo na ma-preserve ang migratory birds, tiyak walang pi-nag-uusapan at darayuhing bayan ng Candaba.

Dahil sa kasikatan, nag-interes ang maraming investor para maglagak ng negosyo na nagbigay ng mataas  na pondo para sa Candaba. Ngunit ang maayos na pagseserbisyo ni Mayor Pelayo ay unti-unti nang lumalapit sa hangganan para sa mga taga-Candaba.

Dahil sa darating na May 2013, siya’y puwede ring tumakbo pang alkalde dahil sa batas na nagbabawal sa mga mayor na tumakbo matapos ang 3 termino.

Pero ‘di dapat mangamba ang mga taga-Candaba. Puwede namang maging Pampanga Vice Governor o kaya’y gobernador si Mayor Pelayo.

GREETINGS

Si Ramil C. Rondina ng Personnel Department ng Malabon City Hall ay nagdiwang ng kaarawan noong Huwebes (Abril 26). Happy birthday, friend.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply