Carmelo hindi umubra kay James

KINAMADA ni LeBron James ang 29 puntos at 10 rebounds habang 28 at siyam na boards ang kay Dwyane Wade upang balewalain ang 42 points ni Carmelo Anthony at talunin ng Miami Heat ang New York Knicks, 93-85 sa nagaganap na 2011-12 National Basketball Association, (NBA) regular season kaninang umaga.

”This is obviously a lot of our favorite places to play, but I think it came at a good time for us,” paliwanag ni Wade. ”We were struggling, as in to play a complete game on the road, and what better place to come in and focus then here, where this team has been playing well and can embarrass you if you don’t play your game. So understanding that this could obviously be a first-round matchup as well, I thought today we came in, we didn’t play amazing, but played good enough to win the game. We did a lot of good things, so it was a good time for it.”

Nagdagdag si Chris Bosh ng 16 pts., 14 na rebounds at tig isang assist at steal upang ilista ng Heat ang 42-17 win-loss card at manatiling nasa segundo puwesto ng Eastern Conference standing.

”It’s all about perseverance and just continuing to stay with it,” ani Bosh. ”We know we’re a great road team, we just have to go out there and prove it night in and night out and I think we’re going to do a better job and continue to play well, and hopefully this will give us some momentum.”

Dalawang puntos lang ang naitarak ni Anthony sa fourth canto, marahil ay napagod matapos maglaro ng 43 minuto.

Halos paglaruan lang ni Anthony ang bumabantay sa kanyang si Shane Battier kaya sa huling period ay si James na ang humalili sa kakampi.

”It was all a blur. I don’t even know what happened. It just happened so fast. They made some tough shots down the stretch the last couple of minutes of the game, the last six minutes of the game,” panghihinayang ni Anthony. ”We couldn’t make shots. We had some good looks. Couldn’t make them. Didn’t make them.”

Nakikipaggitgitan sa pang pito at pang walong puwesto sa EC ang Knicks kung saan ay kalahating laro ang lamang ng Philadelphia 76ers.

Tangan ng Knicks ang 31-29 panalo-talo karta habang 31-28 win-loss slate ang hawak
ng Sixers.

Pasok na ang Chicago Bulls, Heat, Indiana Pacers, Boston Celtics, Atlanta Hawks at Orlando Magic sa playoff habang puwedeng sumingit ang Milwaukee Bucks, (29-31
baraha) at malaglag ang Knicks o ang Sixers.

Sa Western Conference, tatlo pa lamang ang nakasisigurong aakyat sa susunod na stage na kinabibilangan ng  Oklahoma Cuty Thunder, San Antonio Spurs at Los Angeles Lakers.

Samantala, sa ibang NBA resulta, sinuwag ng Bulls ang Detroit Pistons, 100-94 habang kinaldag ng Celtics ang Charlotte Bobcats, 94-82.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply